The Prima Donna: Prologue – ‘Veil of Deception’

The Prima Donna: Prologue – ‘Veil of Deception’

0 1274
The Prima Donna: Prologue – ‘Veil of Deception’

 

“Janice?” sigaw ko sa bukana ng mahabang hallway ng malaking ‘bahay ng lagim’, yan ang tawag ko sa bahay ng manager kong si Janice. OA naman kasi ang kabaliwan nito sa mga antique na furniture kaya hindi na ako magtataka kung mapagkakamalang National Museum o Horror House ang bahay nito.

 

Yan ang tanging rason kung bakit never akong pumayag na magsleep over dito, feeling ko kasi susugurin ako ng mga kaluluwa ng mga dating may-ari ng mga weird na gamit kapag natabig ko.

‘Tabi-tabi po!’ paulit-ulit na chant ng isip ko.

Nakataas ang balahibo ko habang nakapikit na nagja-jogging sa hallway, daig ko pa ang nasa horror movie, nararamdaman ko na nakatingin sakin ang napakaraming creepy paintings sa magkabilang side ng dingding.

Nabunutan ako ng tinik ng marating ko ang dulo ng lagim, kumatok muna ako bago tahimik na binuksan ang pintuan ng opisina.

Naabutan ko ang reyna ng lagim na nakatungo habang nakatingin sa malaking brown envelope na nakalapag sa antique na office table.

“Hey Janice, you want to talk to me?!” pasigaw na sabi ko, gusto ko kasing atakihin siya sa nerbyos. Call me wicked pero ganun talaga, nangbubully ako kapag may time. Kung tutuusin kulang pa yan sa tindi ng nerbyos ko sa bahay niya!

“Aatakihin ako sayo sa puso eh, wag mo nga akong ginugulat!” sabi nito habang nakahawak sa dibdib. “Take a seat.” itinuro nito ang silya sa tapat ng lamesa.

I flaunt my million dollar smile, “Sorry na, Madam! What do you want to talk about? Bagong project na naman ba?” tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga ako, akala ko pa naman nagkaintindihan na kami na magbabakasyon muna ako ng kahit dalawang linggo. Kailangan ko na kasi ng alone time slash sexy time kasama ang napakaganda kong girlfriend, my perfect girlfriend that never fails to make my heart swell, si Sandy.

“No, tungkol ‘to kay Sandra.” I don’t know why I suddenly felt anxious, lalo na nung nakita kong mas humigpit ang pagkakahawak nito sa envelope. Ganitong ganito yung mga eksena sa mga dramang inaartehan ko.

“What about my girlfriend?” nawala ang ngiti sa mukha ko ng makita kung gaano kaseryoso si Janice. Lalong kumabog ang dibdib ko ng iniabot nito ang sobre, “Here, open it.” utos nito.

Hindi nakasealed ang envelope kaya walang hirap na nakuha ko ang laman. Napakunot ang noo ko ng maintindihan ang nakasulat sa mga dokumento, “Hindi magandang biro ‘to Janice, please tell me you’re joking.” halos pabulong at nanlulumo nang sabi ko.

“I’m so sorry that I have to do it behind your back. Matagal na akong kinukutuban na niloloko ka ni Sandra kaya pinaimbestigahan ko ang mga assets mo.”

“You made this up!” tinawanan ko siya pero sarcastic, “Hindi ako kayang lokohin ni Sandy!”

I felt my tears run down my cheeks.

“Ano pa bang proof ang hinahanap mo Donna? Nasa harapan mo na lahat ng ebidensya, kailan ka ba matatauhan?” ramdam ko ang awa sa boses niya, “Ginagamit ka lang ng girlfriend mo para mas sumikat at yumaman siya!” tumayo ito at humakbang palapit sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko, “Pinapaikot ka lang niya Don, baka isang araw magising ka nalang wala na sayo lahat ng pinaghirapan mo, habang hindi pa huli ang lahat iwanan mo na siya, please makinig ka sakin hindi siya worth it.” dugtong pa nito habang hinahagod ang kaliwang balikat ko.

Pinipilit kong namang unawain ang sinasabi sakin, sinasabi ng utak ko na sapat ang proof na nasa harapan ko bilang patunay na niloloko ako, but my heart refuses to believe.

Sa tagal ng relasyon namin parang imposible kasi na lokohin niya lang ako, we made promises and dreams together, marami na kaming pinagsamahan at nalagpasang problema kaya hindi ako makapaniwala. I know Sandy really loves me so much, hindi siya nagkulang sa pagpapakita kung gaano niya ako kamahal.

Papatunayan ko sa kanila na hindi totoo ang mga binibintang nila sa girlfriend ko. I wiped my cheeks before I picked the envelope in front of me.

“Don, where are you going?!” narinig kong sigaw ni Janice bago ako makalabas ako ng pintuan.

Huminto ako saglit, “Pupuntahan ko si Sandy at papatunayan ko sayo na mali ka!” sigaw ko sa kanya.

‘I’ll prove them wrong!’, I told myself.

“All the world is made of faith, and trust, and pixie dust.” ― J.M. Barrie, Peter Pan

NO COMMENTS

Leave a Reply


*