A Lesbian Love Story: Rainy Days

A Lesbian Love Story: Rainy Days

0 1118

(Disclaimer: This story is taken from a book published by University of the Philippines Manila. It is written in English and Tagalog. I found the story to be heartbreaking and inspiring at the same time. I hope that you will find this story inspiring as well. Enjoy reading.)

Kabisado ko na ang lugar na ito. Well-manicured ang lawn. Man-made ang lagoon. Flowering shrubs. Kahit simple lang ang libingan, halata pa ring puro mayaman ang nakalibing dito. Pero kahit yata nakapikit ako eh makikita ko ang puntod na ‘to na nalililiman ng malalaking puno ng Acacia. Binasa ko ang naka-ukit sa lapida; Jazzmani Hontiveros at Anne Peach Torrs, died on December 16, 1999. Habang tinitingnan ko ang unti-unting pagtunaw ng kandila, hindi ko maiwasang isipin sina Jazz at Peach. At kung bakit nandito sila ngayon.

Team captain ng women’s basketball ng UP si Jazz. Kahit sikat siya sa campus, hindi siya ma-ere. Gayunpaman, sobra naman siyang maloko at alaskador. Hindi yata lilipas ang isang araw nang wala siyang inaasar. And one more thing: she was a lesbian-and proud of it. “Why should i apologize for it?” ‘yon ang standard answer niya everytime my magtatanong sa kanya bout sa sexual reference niya. But I knew her well to know that deep inside, she was hurting.

Galing sa prominente at konserbatibong pamilya sa Cebu si Jazz. Kaya siguro hindi siya matanggap ng pamilya niya. Disgrace daw kasi siya. Isipin mo nga naman, dating governor ang tatay niya at pari pa ang isang uncle niya. Sa pamilyang tulad nila, nakakahiya nga namang magkaroon ng anak na tibo or bading. Kinahihiya pa rin siya ng parents niya. Hindi raw siya magsa-suceed dahil tibo siya. Paparusahan daw siya ng Diyos dahil immoral siya. Kaya nga ganon na lamang ang tuwa niya ng pareho kaming makapasa sa UP Diliman. Sa wakas daw, makakalayo na siya sa pamilya niya. Matatahimik na raw ang buhay niya kahit paano. Alam ko sinasabi niya lang yon pero masakit din sa kanya na hindi siya matanggap ng family niya.

Maliban sa pagiging team captain ng UP Maroons Women Basketball Team, consisitent din siya sa pagiging college scholar. Pero never na nalaman ng pamilya niya ang mga achievements niya. Paano ba naman, simula ng dumating kami dito, pinadadalhan na lang siya ng pera ng parents niya. Ni hindi man lang sumusulat o tumatawag para kamustahin ang anak nila. Si Jazz din, hindi na nag-try na sumulat o tumawag. “Kung noon ngang kasama ko sila sa bahay, hindi na sila interesado sa akin, ngayon pa kaya?” katwiran niya sa akin ng kulitin ko siya na tumawag naman sa bahay nila. Hindi na ko nakipagtalo. Buhat din non, hindi ko na siya kinulit pang sumabay sa pag-uwi ko tuwing sembreak. Mula kasi nang dumating kami sa Manila, ni hindi na umuwi sa kanila si Jazz, kahit Pasko. Tuluyan na siyang naging estranged sa family niya. Tuwing bakasyon busy siya sa paga-assemble ng computer o pagdedesign ng website. Racket niya ‘yon ‘yon din ang naging daan para magkakilala sila ni Peach. Sa isang exclusive school nag-aaral si Peach.

Naghahanap ng web design ang sorority niya para sa web page nila. It turned out that one of our classmates was her sis sa soro. Nirekomenda ng classmate naming si Jazz. Isinama ako ni Jazz nang makipagmeeting siya kay Peach. Peach was a stunner. With her doe eyes, acquiline nose and creamy complexion, madaming nanliligaw sa kanya. Before I knew it, nagko-confide na sa akin si Jazz. She was smitten daw by Peach’s charm. I warned her to take it easy. Peach was so beautiful. Marami siyang karibal. “Well, I’ve been turned down by my own family. One more rejection wouldn’t hurt that bad, right?” She grinned. Natawa nalang ako sa sinabi niya. “Bahala ka nga sa buhay mo,” sabi ko.

Ibang klaseng manligaw si Jazz. Simple lang, minsan nga baduy na eh. Instead of flowers and chocolates, ginagawan niyang funny cards si Peach. O kaya naman, dadalhin niya sa Sunken Garden at pakakainin ng fishball at tukneneng, habang kinakantahan niya ng mga mushy songs. Niloko ko nga siyaminsan. Sabi ko, paano siya magugustuhan ni Peach eh ang baduy-baduy niyang manligaw. Katwiran naman ng gaga, hindi naman daw kasi puwedeng lantaran niyang ligawan ni Peach. Una, bawal sa school nila. Madre kasi ang  nagpapalakad. Pangalawa, may sorority nga si Peach. Ano na lang ang sasabihin ng mag sisses nito? Although Jazz was such a charmer, nagulat pa din ako nang sagutin siya ni Peach. I remember pa nga that time so well. I was studying for my Math 17 dep exam nang dumiting siya sa apartment. She was wearing this silly grin on her  face. “Guess what?! Sinagot na ako ni Peach!” I didn’t know what to say. Part of me was skeptical. Paano kung nagti-trip lang si Peach? Jazz had been through a lot and I didn’t want to see her get hurt again. But the glint of happiness in her eyes somehow reassured me. It convinced me that maybe – just maybe – Peach was the person who would make Jazz happy.

Peach easily fit in Jazz’ life. Kapag pareho ang vacant periods nila, sabay silang kumakain ng lunch. Kung hindi naman, text galore naman sila, reminding each other na wag mag-skip ng lunch, and other mushy things. Kapag gabi na ang uwian ni Peach, susunduin naman siya. Minsan nga nagseselos na ko. I felt na wala ng time si Jazz for me. Pero konsolasyon ko na lang na makitang masaya si Jazz. Nakita ko rin kung paano alagaan ni Peach si Jazz.Binibilhan niya si Jazz ng vitamins, pinapagalitan kung hindi kumakain. Nang magkasakit nga si Jazz, si Peach ang nag-alaga sa kanya for three days. And one thing about them, they pulled each other up. They were each other’s strenght. When the Maroons lost an important game to UST, Jazz was so disappointed. And Peach was there to comfort her. She even cooked chicken adobo, Jazz’ favorite food. Before I knew it, Peach moved in with us. At mas lalo kong nakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Gustong-gusto ng dalawa kapag malakas ang ulan. It was their excuse to just stay in bed, cuddling up, drinking hot cocoa while watching a video. Sometimes, they’d curl up sa sofa reading a book together. There was this time pa nga na naligo sila sa ulan. At ang gagong si Jazz, kumuha pa ng sabon at shampoo! Feel na feel talagang maligo sa ulan ni mokong! Minasan biniro ko si Jazz. Sabi ko kumusta ba ang may active sex life? “Gago!”, natatawang sabi ni Jazz. “pero alam mo”, seryosong sabi ni Jazz, “Peach and I don’t have sex. We make love.” “Fucking and making love?” “What’s the difference?”, I asked. “I don’t know. It’s an explicable feeling eh. It’s more than physical pleasure. It’s more of the mind, of the soul.” “Corny mo talaga,” biro ko kay Jazz. Kahit sobrang in-love sila, they were still extremely cautios na wag malaman ng iba ang relationship nila. Ni hindi nga nagho-holding hands kapag nasa public.

Pero sabi nga, wala namang lihim na naitatago. Eventually, nakaabot sa parents ni Peach ang balita. Dumating ang parents niya sa apartment. Napagkamalan ngang ako si Jazz. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto eh tinalakan na ako. “Teka nga,” naiirita kong sagot, “eh hindi naman ho ako si Jazz eh”. Narinig pala ni Jazz ung pagbubunganga ng mother ni Peach kaya lumabas ito. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato ng parents ni Peach kay Jazz. Kesyo idinadamay raw nito ang unica hija nila sa pagka-immoral. Na wala naman daw mapapala si Peach sa isang tibo. Iyak ng iyak noon si Peach, begging her parents to understand. Tahimik lang si Jazz, nakikinig. Maya-maya tumayo ito. Umakyat sa kwarto nila. Pagbaba, may dala nang bag, laman ang gamit ni Peach. “What are you doing?”, naiiyak nitong tanong kay Jazz. “Sumama ka na sa kanila,” “You’re letting me go just like that?! Fight for me naman, Jazz. Please.” Nakayakap na si Peach kay Jazz, halos lumuhod na dito. Umiiyak na rin noon si Jazz. “I love you so much Peach. Ayokong danasin mo ‘yung itakwil ka ng mga magulang .” Pilit inialis ni Jazz ang mga kamay ni Peach. Ang tatay naman ni Peach, halos kaladkarin na siya palabas ng apartment. “Jazz please!” pero tumalikod na si Jazz, umakyat sa kwarto nila to shut herself from the world.

Ibang Jazz na ‘yung nakita ko after that. Naging withdrawn, always staring off into space. Inaya ko nga minsang gumimik sa Malate, pero pag nasa bar na, naka-upo lang, nagyoyosi, nagbubutas ng bangko. Nabalitaan na lng naming nag-enroll sa ibang school si Peach. At hindi raw maka-alis ng walang bantay. Minsan nasa kalagitnaan kami ng klase noon ng may nag-text sa kanya, tapos nagpaalam. Magsi-CR daw siya. Natapos na ‘yung subject hindi parin bumabalik. Tinext ko siya, asking kung nasaan siya. Maya-maya, tumawag, parang masayang-masaya. Huwag daw akong mag-alala dahil she’s fine. Wish her luck daw. Nailing lang ako. “what are you up to nanaman ba?” I asked her. “Basta!” Gabi na akong naka-uwi that day, dahil sa pagod, nakatulog ako agad. Siguro mga ala-una yon, may kumatok. Hindi ko pinansin nung una, akala ko nananaginip lang ako. Eh ang kulit. Bumaba ako at sinilip ko muna kung sino yon. Aba, mahirap na noh. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. I just foung myself in the morgue, staring at Jazz and Peach’s lifeless forms. Sabi nga ng mga pulis, tinawagan daw sila ng mga room boys sa isang motel sa may Harrison. Tapos na daw kasi yung short-time, hindi parin lumalabas sa kwarto ang dalawa. Hindi naman daw sumasagot kahit kinakatok kaya’t puwersahan ng binuksan. At tumambad nga sa kanila sina Jazz at Peach, MAGKAYAKAP, PATAY. Nag-overdose ang dalawa. May nakitang note ang mga pulis. It read:

“IN ANOTHER LIFETIME, MAYBE WE COULD HAVE THE HAPPINESS WE DESERVE.”

Tinawagan agad ng mga pulis ang parents ng  dalawa. I was glad I didn’t have to talk to Jazz parents. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, kung ano pa ang masabi ko. The next morning, nasa funeral home na sila. Unang dumating ang parents ni Jazz. Iyak sila ng iyak. Pero hindi ko magawang maawa sa family ni Jazz. Mahal din pala nila ang anak nila, bakit hindi nila ipinakita noong buhay pa ito? Nang dumating ang parents ng Peach, nag-usap sila. Nag-decide sila na pagsamahin na lang sa isang libingan ang dalawa.

Umuulan noong araw na inilibing sila. Just like what Peach and Jazz would have wanted. Pero this time, they were not curled up in the sofa, drinking cocoa or cuddling. They were not out in the rain playing like kids, oblivious to the stares and smiles of the passerby. They were being lowered to the ground. Naisip ko, siguro mas masaya na ngayon yung dalawa. For all we know, baka they’re cuddling right now.

Before, tinanong ako ni Jazz, “What’s wrong with these people?” May nadaanan kasi kaming simbahan, tapos may streamer sila announcing a healing explosion. Pati daw mga gays will be cured to their homosexuality. Pikang-pika noon si jazz. Pero, ako naman tinatawanan ko lang siya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. Now I know. We’re bunch of hypocrites. All of us are sinners trying to wash off our guilt by putting down other people. And such hypocrisy led to the death of two people who loved each other so much. Their only sin: they are both girls.

Its started to rain. At first ambon lang. I watched as the flames tried valiantly to fight the onslaught of raindrops. Then the flames flickered, and with the sudden gush of the wind, were suddenly extinguished. Just like Jazz and Peach succumbing to pressures, I thought.

NO COMMENTS

Leave a Reply


*